Sinuong ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang liblib na barangay sa Mansalay, Oriental Mindoro.
Ito’y upang magsagawa ng learning sessions sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay DSWD Assistant. Secretary Romel Lopez tatlong ilog at ilang bundok ang tinahak ng DSWD team,para lang makapagsagawa ng Community Family Development Session (CFDS) sa Sitio Lucban Barangay Panaytayan.
Paliwanag ni Lopez, ang CFDS ay kailangan sa 4Ps activity dahil ito ang nagbibigay sa bawat beneficiaries ng mga kaalaman hinggil sa programa.
Sa ginanap na session, tinuruan ng 4Ps team ang mga katutubong kabataan ng proper hygiene at maging ang importansya ng paglilinis at pangangalaga sa katawan. | ulat ni Rey Ferrer