Pinangunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha sa bayan ng Manay, Davao Oriental.
Kabilang sa nabigyan ng family food packs ang 628 pamilya mula sa dalawang barangay ng Manay.
Kasama ng DSWD Secretary sa relief distribution ang local officials mula sa lalawigan.
Kasabay nito ang pagbisita din ng kalihim sa bayan ng Caraga sa nasabi ding lalawigan.
May 512 residente na apektado ng masamang kondisyon ng panahon ang binigyan din ng tulong mula sa DSWD.
Ininspeksyon din ng kalihim ang ilang imprastruktura na nangasira din dahil sa weather disturbance.| ulat ni Rey Ferrer