Suportado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang plano ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo at Marikina Representative Stella Quimbo na tanggalin na ang kasalukuyang senior citizen purchase booklet.
Ayon kay DSWD Assistance Secretary Romel Lopez, umabot na sa mahigit 24 na reklamo ang natanggap ng kanilang ahensya sa loob ng dalawang taon hinggil sa pagkuha ng senior citizen discount.
Dagdag pa ng ahensya, kailangan na rin ikonsidera ang pag-adopt ng digitized records para sa mga senior citizen.
Kailangan lang aniya na makipag-ugnayan ang DSWD sa iba’t ibang ahensya gaya ng National Commission of Senior Citizens, Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of the Interior and Local Government (DILG) para maisakatuparan ang planong digitalization ng records ng mga senior citizen. | ulat ni Diane Lear