Isang business mission ang isinagawa ng Department of Trade and Industry sa Japan upang mas makapang-akit pa ng maraming mamumuhunan sa bansa.
Sa isinagawang pagpupulong ng DTI sa Osaka Chamber of Commerce and Industry, sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na positibo ang bansa na magkakaroon ng mas malalim na pakikipag-ugnayan sa larangan ng pamumuhunan sa Japan dahil sa husay at galing nito sa industrialization at kanilang advance na teknolohiya.
Nais din ng kalihim na mas palakasin pa ang economic ties ng Pilipinas at Japan.
Kaugnay nito, iprinesenta ni Secretary Pascual ang commitment ng Philippine government na maayos ang polisiya pagdating sa pagpasok ng bawat mamumuhunan sa bansa katuwang ang Board of Investment (BOI) at Philippine Trade and Investment Center (PITC).
Sa huli, nangako naman si Pascual sa Osaka Chamber of Commerce and Industry na handa ang Pilipinas sa anumang direktang pamumuhunan mula sa kanilang bansa at patuloy na aaalalayang DTI sa bawat foreign investment na darating sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio
📷: DTI