Alinsunod sa bisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang food security, lumagda ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) sa isang memorandum of understanding (MOU) upang magtatag ng cooperation measures sa pagbuo at implementasyon ng Integrated Rice Supply Chain Development Program.
Sinabi ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pacual, ang estratehikong inisyatiba na ito ay sumusuporta sa Three-Year Food Logistics Agenda ng DTI na nakatutok na pangalagaan ang abot-kaya at accessible na pagkain para sa lahat ng Pilipino.
Ang pagtutulungang ito ng DTI, DA, at NIA ay nagpapakita ng shared mission na palakasin ang sektor ng agrikultura.
Ang Integrated Rice Supply Chain Development Program ay naglalayon na i-streamline ang supply chain ng bigas mula sa produksyon patungo sa merkado, bawasan ang mga gastos sa logistik, dagdagan ang kita ng mga magsasaka, isulong ang wastong pag-uuri at branding ng bigas, at pahusayin ang domestic rice market competitiveness.| ulat ni AJ Ignacio