Nakipagpulong si Trade Secretary Alfredo Pascual sa Spanish counterpart nito para sa pagkakaron ng kalakalan at pamumuhunan sa Pilipinas at Spanish government.
Sa naging sidelines ng 13th World Trade Organization at Ministerial Conference sa Abu Dhabi, nag-usap sina Secretary Pascual at Spanish Minister of Economy, Trade, and Business Carlos Cuerpo Caballero para sa pagkakaroon ng trade and investment relations.
Sinabi ni Pascual na isa sa napag-usapan sa naturang pagpupulong ay kung paano pa palalakasin ng dalawang bansa ang export sa sektor ng fish products, electronics, pag-export ng saging at pinya, at kabilang din ang coconut crude oil kung saan isa ang Pilipinas sa malaking pinagkukunan nito.
Sa huli ay positibo si Pascual na magkakaroon pa ng mas malakas na ugnayan ang dalawang bansa dahil sa naging magandang pakikipagpulong nito sa bansang Spain. | ulat ni AJ Ignacio