Patuloy ang ginagawang expansion at maintenance ng water connections ng Manila Water para sa lumalaking customer nito sa East Zone.
Hanggang Nobyembre 2023, nakapaglatag na ng 5,445.96 kilometers ng pipelines sa buong East Zone ng Metro Manila ang water concessionaire.
Ayon kay Jeric Sevilla, Director ng Communication Affairs Group, sa ngayon ay nasa 7.6 million customer base ang binibigyan ng suplay ng tubig ng Manila Water.
Sinisiguro din ni Sevilla na regular na nakakasunod ang water concessionaire sa mahigpit na parameters ng Philippine National Standards para sa drinking water.
Bukod sa expansion at maintenance ng clean water network, patuloy din ang East Zone concessionaire sa pagpapalawak ng wastewater treatment at sanitation services sa mga customer.
Hanggang Nobyembre 2023, nakapaglatag na rin ang kumpanya ng kabuuang 468.91 kilometers ng sewer lines. | ulat ni Rey Ferrer