Upang paghusayin ang Philippine investment landscape, nag-convene ang Economic Development Group (EDG) upang talakayin ang mga istratehiya para gawing masigla ang pamumuhunan sa bansa.
Sa pangunguna ni Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) Secretary Frederick Go, tinalakay ang agricultural productivity, enerhiya at ang kasalukuyang mga batas sa domestic preference.
Iprinisinta ng Department of Agriculture (DA) ang farm and fisheries clustering at consolidation program upang palakasin ang kanilang produksyon.
Para naman i-fast track ang investment sa solar power at offshore wind projects, tinalakay ng Department of Energy at Department of Environment and Natural Resources ang patuloy na koordinasyon para sa panuntunan ng paglalabas ng compliance certificates o ECC, at iba pang requirements.
Ipinanukala naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pag-aaral ng kasalukuyang batas at polisiya, upang matiyak na ang domestic preference ay mag-operate ng klarong parameters at qualifications.
Ang EDG ay co-chaired ni Finance Secretary Ralph Recto at NEDA Secretary Arsenio Balisacan. | ulat ni Melany Valdoz Reyes