Malaking bilang ng mga Pilipino ang nagkatrabaho sa bansa nitong Disyembre ng 2023.
Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng PSA, sumampa pa sa 96.9% ang employment rate nitong disyembre o katumbas ng milyong pilipinong may trabaho.
Pinakamataas na employment rate ito na naitala sa bansa mula noong 2005.
Mas mataas rin ito sa 49.64 milyon na bilang ng employed noong Nobyembre ng 2023 at 49 million noong Disyembre ng 2022.
Lalo namang bumaba sa 3.1% ang unemployment rate mula sa 3.6% noong Nobyembre ng 2023 at 4.3% noong Disyembre ng 2022.
Katumbas rin ito ng tinatayang 1.60 milyong walang trabaho noong huling buwan ng 2023.
Naitala naman naman sa 11.9% ang underemployemnt rate o mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan.
Kabilang sa mga sektor na may malaking pagtaas ng employment ang construction, agriculture at forestry, accomodation at food service, transportation at storage, pati na ang human health and social work.
Tinukoy naman ni PSA Undersecretary at National Statistician Dennis Mapa, na tumaas sa 95.7% ang full year na employment rate sa bansa noong 2023 kumpara sa 94.6% noong 2022.
Maging ang full year unemployment rate ay bumaba rin sa 4.3% noong 2023 mula sa 5.4% sa kabuuang taon ng 2022. | ulat ni Merry Ann Bastasa