Isa nang full-fledged administrator si Eduardo Guillen ng National Irrigation Administration (NIA).
Ito’y matapos na pormal nang manumpa si Guillen sa harap ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na tumatayo ring Chairman of the Board ng NIA.
Isinagawa ito sa ika-1000 Board Meeting ng National Irrigation Administration (NIA) na isinagawa sa Iloilo Convention Center.
Unang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Guillen bilang acting administrator ng ahensya noong December 14, 2022.
Kabilang naman sa tinututukan nito sa NIA ang pagpapalawak ng irrigation development sa bansa para sa ikauunlad ng agri sector. | ulat ni Merry Ann Bastasa