Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (MERALCO) na i-refund ang kanilang dagdag-singil.
Ito’y makaraang ikatuwiran ng MERALCO ang dahilan ng kanilang pagtataas ng singil bunsod ng mataas na fuel cost partikular na sa First Gen na siyang pinakamalaking supplier nito ng kuryente.
Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, hindi dapat ipinapasa ng MERALCO ang dagdag-singil sa kanila ng generation companies.
Aniya, hindi pa naman justified kung dapat ipasa sa mga konsyumer ang naturang pagtataas ng singil ng power generators kaya’t wala silang nakikitang pangangailangan para magtaas din ng singil ang power distributor.
Sa panig naman ng MERALCO, sinabi ng Vice President at Spokesperson nito na si Joe Zaldarriaga na tatalima sila sa kautusan ng ERC at mararamdaman ang refund sa buwan ng Marso. | ulat ni Jaymark Dagala