Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto na kailangan i-adjust ang growth target ng bansa upang mas maging makatotohanan ito.
Sa isang panayam, sinabi ni Recto na kailangan gawin ang adjustment dahil sa mga global development bagaman walang adjustment na ginawa ang economic team sa growth target noong pinakahuling pulong ng Inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) meeting,
Para sa 2025 hanggang 2028, target ng DBCC committee na makamit ang 6.5 to 8.0 percent economic growth.
Habang tinatayang nasa 6.5 to 7.5 percent target ngayong taon.
Kailangan ayon kay Recto na ‘realistic’ ang goal pero nanatili pa din aniyang mataas.
Ayon sa kalihim, kasalukuyang inaaral nila ngayon ang growth target para sa natitirang apat at kalahating taon ng administrasyong Marcos. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes