Suportado ni Finance Secretary Ralph Recto ang pagpapalawig ng ‘free education program’ na inaalok ng state universities.
Sa panayam kay Recto, sinabi nito na pabor siya na mag-invest sa edukasyon ang gobyerno.
Aniya, ito ang isa sa kanilang napag-usapan ng Office of the Chief Economist kung saan tinalakay ang Build Better More Program.
Taliwas sa inihayag ni dating Finance Sec. Benjamin Diokno na umano’y “fiscally unsustainable” ang panukala.
Ayon kay Recto, pinakaimportante sa pamahalaan na mamuhunan sa edukasyon ng mga kabataan.
Paliwanag ng kalihim na bukod sa programang imprastraktura, importante na maihanda ang mga Pilipino sa trabaho malilikha nito. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes