Nakahanda ang Office of the First Lady ng tulong sa hanay ng mga nasa industriya ng pinilakang tabing.
Ito ang nabigyang-diin sa Facebook post ni First Lady Liza Araneta-Marcos kamakailan kung saan ay kalakip sa mga larawan ang pakikipagpulong nito sa mga nasa movie industry.
Kabilang sa nakitang kasama sa pulong ng Unang Ginang ay si Film Development Council of the Philippines Chairman and Chief Executive Officer Tirso Cruz III.
Present din sa meeting ang aktor na si Dingdong Dantes na kabilang sa Board of Trustees ng Mowelfund o ang Movie Workers Welfare Foundation na isang organisasyon na nagbibigay ng tulong sa mga movie workers sa panahon ng pangangailangan.
Ilan din sa namataang dumalo sa pulong ng First Lady ay si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos. | ulat ni Alvin Baltazar