Napagtagumpayan ng Philippine Reclamation Authority ang fiscal year 2023.
Ito ang ipinagmalaki ng ahensya matapos makapagtala ng P150 bilyon na unaudited asset nito.
Ayon sa PRA, nakuha nila ang nasabing asset dahil sa pamumuno nina PRA Chairperson Alex Lopez, PRA General Manager at CEO Cesar Siador Jr. at ang buong board of directors nito.
Paliwanag ng PRA na sa pamamagitan ng kanilang ginawang modification sa accounting process ay napataas nila ang asset ng PRA kung saan inaasahan nila na magreresulta sa mas magandang financial standing.
Bunsod nito ay posible nang makakuha ang PRA ng mas maraming investors at partners mula sa pribadong sektor sa pamamagitan naman ng public private partnerships. | ulat ni Lorenz Tanjoco