Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang pagbisita sa bansa ng Foreign Minster ng Switzerland na si Ignazio Cassis sa February 8.
Si Cassis ang kasalukuyang Federal Councillor for Foreign Affairs at Foreign Minister ng Swiss Confederation.
Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, kabilang sa kanilang tatalakayin ni Minister Cassis ay ang pagpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at ng Swiss Confederation.
Gayundin ang pagpapalitan ng mga pananaw sa mga usaping multilateral, regional at pandaigdigan na kapwa pinagsasaluhan ng dalawang bansa.
Iniulat pa ng DFA na makikipagpulong din ang Swiss Foreign Minister sa iba’t ibang matataas na opisyal ng pamahalaan, kabilang na rito ang kaniyang courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Cassis sa Pilipinas mula nang maupo ito bilang Swiss Foreign Minister.
Sa sakalukuyan, nasa mahigit 15,000 Pilipino ang naninirahan ngayon sa Switzerland na karamiha’y nagtatrabaho bilang IT Professional, Engineer, Doctor, Nurse, at Healthworkers. | ulat ni Jaymark Dagala