Umaasa ang Department of Finance (DIF) na maisasapinal na ang ₱55.7-billion pesos na loan agreement para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway project ngayong March 2024.
Ito ang inihayag ni Finance Secretary Ralph Recto sa kanyang ginawang pagbisita sa Official Development Assistance (ODA) projects upang tiyakin ang episyenteng pagpapatupad ng kauna-unahang subway sa bansa.
Ayon kay Recto, commited ang gobyerno na matiyak ang pondo para sa third tranch ng financing ngayong Marso.
Habang ang forth at fifth tranches na nagkakahalaga ng ₱151-billion ay kasalukuyang pang pinag-uusapan.
Ayon sa DOF ang subway 1st tranch ay nagkakahalaga ng ₱38.8-billion at ang second tranch ay tinatayang nasa ₱94.1-billion.
Ang tinaguriang “Project of the Century” ay inaasahang magseserbisyo sa 370,000 na pasahero kada araw sa pagsisimula ng unang taon na operasyon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes