Muling binuksan ng Department of Health (DOH) ang Government Internship Program (GIP) na nag-aalok ng mga pagsasanay at pagkakataon sa mga kabataan na naghahangad ng kaalaman at kasanayan sa pagtatrabaho sa gobyerno.
Target ng programa ang mga kabataan edad 18 hanggang 25, na mula sa iba’t ibang educational background, partikular na ang mga first-time GIP beneficiary.
Maaaring ma-access ng mga aplikante ang mga kinakailangang dokumento sa pamamagitan ng pagbisita sa link na naka-post sa Facebook page ng Department of Health.
Tatanggap ang ahensya ng submission ng mga applications mula ika-19 hanggang sa ika-23 ng Pebrero na maaring i-submit sa DOH Health Human Resource Development Bureau o sa pamamagitan ng email sa gip@doh gov.ph.
At kung mapabilang sa mga matagumpay na aplikante, kinakailangang mag-report sa DOH Central Office tatlong beses kada linggo, mula ala-8:00 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon.
Para sa karagdagang katanungang, maaaring makipag-ugnayan sa HHRDB – Learning and Development Division ng kagawaran sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero bilang (02) 8651-7800, locals 4250 hanggang 4253.| ulat ni EJ Lazaro