Gross international reserves ng Pilipinas, sapat pa rin para suportahan ang estado ng ekonomiya – BSP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagyang bumaba ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas ngayong buwan ng Enero 2024.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mula $103.8 billion bumaba ito sa $103.4 billion.

Gayunman ayon sa BSP, ang latest GIR level ay sapat nang “external liquidity buffer” kung saan katumbas ito ng 7.7 months na halaga ng import ng goods at payments sa services at primary income.

Katumbas din ito ng 6.0 na short-term external debt ng bansa base sa original maturity, at 3.9 na beses ng residual maturity.

Paliwanag pa ng BSP, ang month-on-month decline ng GIR level ay dahil sa pagbabayad ng utang ng bansa gamit ang foreign currency at ang downward valuation adjustments sa gold holdings ng BSP, dahil naman sa pagbaba ng presyo ng ginto sa international market.

Naniniwala naman si Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort, na mataas pa rin ang gross international reserves ng bansa, at kayang suportahan ang external position na siyang mahalaga sa credit rating ng multilateral organizations.

Inaasahan din na makakasuporta ang patuloy na OFW remittances, BPO revenues, exports, ang mabilis na recovery ng foreign tourism revenues, at foreign investment/FDI inflows. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us