Nanatiling pinakamalaking non-life insurer sa bansa ang Government Service Insurance System o GSIS sa bansa matapos na makapagtala ng malaking bilang ng mga nagpapa-insure na government agencies ng kanilang assets.
Kung saan umabot na sa mahigit ₱50.15-billion ang total net worth ng mga ahensya ng pamahalaan na nagpa-insure sa GSIS.
Ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso, ito’y isang malaking indikasyon na marami nang government offices ang nais maging resilient, lalo na sa anumang kalamidad na dumating sa bansa.
Dagdag pa ni Veloso na isang malaking hamon sa kanila kung papaano nila mapapalago ang insurance ng mga tanggapan ng pamahalaan at kung paano maibabalik ang interes o dibidendo ng kanilang in-insure na properties.
Sa huli makakaasa ang mga ahensya o mga tanggapan ng pamahalaan na pananatilihin ng GSIS ang kanilang tiwala at makakaasa na nakahanda ito na umagapay sa kanilang pangangailangan sa panahon ng kalamidad. | ulat ni AJ Ignacio