Umabot na halos $14-na bilyong dolyar ang nag-materialize na investment pledges ang direkta nang nakapasok sa bansa bunga ng mga foreign trips ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, ito’y sa kabila ng pagsisikap ng administrasyon sa pagproseso ng mga foreign direct investment sa Pilipinas sa pangunguna ng Philippine Economic Zone Authority ng DTI.
Dagdag pa ni Pascual na asahan pa ang mas maraming pagpasok ng pamumuhunan sa bansa at positibo ito na malalagpasan pa ang nasa mahigit $72.2-billion dollars noong 2023. | ulat ni AJ Ignacio