Inatasan ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang Office of the Civil Defense (OCD) na tiyaking makararating ang tulong ng pamahalaan.
Ito’y para sa mga residenteng matinding naapektuhan ng malawakang pagbaha sa CARAGA Region bunsod ng ilang araw na walang patid na mga pag-ulan doon dulot ng northeast monsoon at through ng Low Pressure Area (LPA).
Batay sa ulat ng NDRRMC magbuhat kahapon, February 11, pumalo na sa 113,463 na pamilya ang apektado sa nasabing rehiyon.
Dahil dito, nakapagtala rin ang NDRRMC ng nasa ₱71.9-million o halos ₱72-milyong pisong halaga ng ayuda ang naipamahagi na ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ariel Nepomuceno, maliban sa mga rehiyon ng Davao, matindi ring nasalanta ang CARAGA kaya naman puspusan ang ginagawang relief operations sa mga apektadong lokalidad.
Kaya naman nananatiling naka-Blue alert ang NDRRMC Operations Center para mahigpit na tutukan ang sitwasyon sa mga binahang lugar.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang pamahaalan sa mga Non-Government Organization na nagpaabot din ng tulong sa mga higit na nangangailangan. | ulat ni Jaymark Dagala