Tinalakay ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at German Federal Parliament Member Dr. Johann Wadephul ang mga hamong panseguridad ng Pilipinas at Germany sa West Philippine Sea at sa kabuuan ng South China Sea, sa pagbisita ng huli sa DND.
Nagpasalamat si Sec. Teodoro sa matinding suporta ng Germany sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ibinahagi naman ni Dr. Wadephul ang policy guidelines ng Germany pagdating sa Indo-Pacific Region kung saan kanilang itinataguyod ang rules-based international order.
Kabilang pa sa mga napag-usapan ng dalawang opisyal ang sitwasyon sa Ukraine, energy security, climate change, sitwasyon ng mga migrante sa Germany, at ang pag-promote ng Pilipinas ng turismo sa Europa.
Sinabi ni Sec. Teodoro na inaasahan niya ang mas lalong pagpapatatag ng ugnayang pandepensa ng dalawang bansa sa plano ng DND na magtalaga ng resident Philippine Defense and Armed Forces Attaché (PhilDAFA) sa Berlin. | ulat ni Leo Sarne
📸: DND