Hindi lang sa hiwalayan nasasaktan ang puso dahil maging ang madalas na pagkain ng ultra-processed food products (UPPs) ay nagiging rason din ng sakit sa puso.
Ito ang ipinaalala ng Healthy Philippines Alliance (HPA), ngayong selebrasyon ng Valentine’s Day at Philippine Heart Month.
Ayon sa HPA, ang madalas na pagkonsumo ng UPPs ay nagreresulta sa mataas na tyansa ng multimorbidity, o kombinasyon ng cancer at cardiometabolic diseases (e.g. heart disease, heart attack, stroke, diabetes, kidney disease).
Kabilang sa UPPs ang mga pagkaing naglalaman ng preservatives, emulsifiers, at artificial sweeteners, colors, at flavors gaya ng breakfast cereals, softdrinks, ice cream, hotdog, corned beef, meatloaf, sausages, at instant noodles.
Para kay Dr. Jaime Galvez Tan, former Health Secretary at convener ng HPA, isa sa mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ay ang pagbabawas rin sa pagkain ng UPPs at paglipat sa mas masustansyang opsyon gaya ng prutas, gulay, at home-cooked meals.
“One way of showing extra love and care for our hearts is to cut down our consumption of UPPs to save ourselves from cardiovascular diseases. Replace UPPs with healthier choices like fresh fruits, vegetables, and home-cooked meals. A healthier diet will, in the long run, also save us from the economic burden of health care costs,” paalala ni Dr. Jaime Galvez Tan, former Health secretary and convener of the HPA.
Bukod dito, hinikayat din ng HPA ang mga Pilipinong nasa edad 40 pababa na regular na i-monitor ang blood pressure. | ulat ni Merry Ann Bastasa