Nanatiling suspendido ang klase ng 112 sa mga lalawigan sa Davao Region na apektado ng masamang panahon.
Sa ulat ng Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang suspensyon ng klase ay dahil sa malawakang pagbaha dulot ng epekto ng shearline.
Batay sa ulat, ang Davao Region ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng class suspension na abot sa 46.
Sinundan ng SOCCKSARGEN na nakapagtala ng 38 na class suspension habang 14 sa Northern Mindanao at CARAGA.
Bukod dito ay suspendido rin ang operasyon ng 32 mga opisina sa nasabing rehiyon kinabibilangan ng 11 sa Davao Region, 5 sa CARAGA, at 1 sa Northern Mindanao.
Nakapagtala na rin ng pinsala sa imprastruktura na abot sa Php 60,000 sa Davao Region at CARAGA Region.| ulat ni Rey Ferrer