Abot sa kabuuang 111 pamilya o 356 indibidwal ang inilikas kagabi, Pebrero 6, 2024 dahil sa naganap na landslide sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro.
Sa ulat ng Department of Social Welfare and Development, nasa evacuation centers na ang mga evacuee.
Nasa walong pamilya o katumbas ng 33 indibidwal ang dinala sa Nuevo Iloco Elementary School at tatlong pamilya o 14 na indibidwal sa Nueva Visayas Elementary School.
Samantala, aabot sa 100 pamilya o 309 na indibidwal ang dinala naman sa Andili National High School.
Nagsasagawa na ng assessment ang DSWD Field Office 11 para sa posible pang tulong na ipagkakaloob sa mga biktima ng landslide.
Nangyari ang landslide malapit sa mining site sa Barangay Masara ng probinsya na nakaranas din ng masamang panahon sa nakalipas na mga araw. | ulat ni Rey Ferrer