Umabot sa 1,081 na magsasaka mula sa Passi City, Iloilo ang nakatanggap ng indemnity checks mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Region 6.
Ayon sa Department of Agriculture Western Visayas (DA WV), umabot sa higit P4,037,000 na insurance claims ang ipinamahagi sa mga magsasaka na nagtatanim ng palay at mais na naapektuhan ng pamiminsala ng peste, matinding pag-ulan at El Niño.
Ngayong may kinakaharap na banta ng El Niño, hinihikayat ng DAWestern Visayas at PCIC Region 6 ang mga magsasaka sa rehiyon na magparehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) upang mabigyan ng proteksyon ang kanilang pananim at mabawi ang kanilang puhunan sa oras na may pinsala dala ng kalamidad. | ulat ni JP Hervas | RP Iloilo
📸: DA/PCIC