Tinatayang aabot na sa ₱510 milyon na ng mga barya ang naideposito sa pamamagitan ng coin deposit machines (CoDMs) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang nasabing halaga ay katumbas ng nasa 145.5 milyong piraso ng mga barya mula higit 134,000 na trasaksyon ayon sa BSP.
Mula Hunyo 2023, bibigyang kakahayan ng CoDMs ang mga users nito para madaling makapagdeposito ito ng kanilang mga barya na maaaring ma-credit sa kanilang mga e-wallet tulad ng GCash at Maya o hindi kaya maipagpalit bilang shopping vouchers.
Layunin ng CoDMs na nasa ilalim ng Coin Circulation Program ng BSP na ibalik sa sirkulasyon ang mga nakatambak na barya at para sa pagtaguyod ng isang cash-lite economy sa pamamagitan ng digital payment adoptions.
Para sa listahan ng mga lugar at malls kung saan may available ng coin deposit machines, maaaring bisitahin lamang ang website ng BSP o ang kanilang official facebook page. | ulat ni EJ Lazaro