Muling umarangkada sa Caloocan ang isang Mega Job Fair na nag-aalok ng iba’t ibang oportunidad at trabaho sa mga residente.
Inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) ang naturang job fair na ongoing na sa SM Grand Central hanggang mamayang alas-4 ng hapon.
Ayon sa LGU, nasa 1,574 job vacancies ang alok sa naturang job fair mula sa mga industriya ng Retail at Trade, Manufacturing, Service Industry, Transportation, Management at Finance.
Nasa 22 pribagong kumpanya ang katuwang dito ng LGU kung saan kabilang sa mga posisyong maaaring aplayan ay: Sales staff (Sales clerk, cashiers, baggers), Production/factory workers, Accounting staff, Customer Service staff, Delivery riders, Logistics staff, IT support, encoders, Marketing staff, Warehouse staff, at Store leaders/managers.
Ayon naman kay Caloocan Mayor Along Malapitan, magandang sulitin ng mga aplikante ang naturang Mega Job Fair para sa pagkakataong makahanap ng maayos na hanap-buhay. | ulat ni Merry Ann Bastasa