Sumampa na sa 1,798 indibidwal na naninirahan sa lansangan sa National Capital Region (NCR) ang natulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng programa nitong Oplan Pag-Abot.
Ayon sa DSWD, 189 sa mga ito ay nabigyan ng ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program habang umakyat sa 607 ang napauwi sa kani-kanilang probinsya matapos maasistehan sa Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program (BP2).
Mayroon namang 1,185 reached-out individuals na nai-refer sa LGUs habang 607 ang pansamantalang nananatili sa temporary shelter ng DSWD at Residential Care Facilities.
Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy pa rin ang reach-out operations ng DSWD sa iba’t ibang lansangan sa NCR.
Kabilang sa pinakahuli nitong natulungan ang isang pamilyang mahigit apat na buwan nang naninirahan sa lansangan ng Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa