Higit 30 social workers, nagtapos sa DSWD Academy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panibagong batch ng trainees ang nagtapos sa ilalim ng social work case management course sa DSWD Academy.

Nasa 37 social workers mula sa ibat ibang lokal na pamahalaan (LGUs) ang nakapagtapos ng kanilang pagsasanay na ibinigay ng ahensya.

Ayon kay DSWD Undersecretary for Standards and Capacity Building Group Denise Bernos-Bragas, ang mga nagsipagtapos na social workers ay ikaapat na batch na ng trainees mula ng simulan ito ng DSWD Academy noong 2023.

“Through this training at the DSWD Academy, we aim to provide comprehensive and sustainable technical training and capacity building to our stakeholders,” ayon kay Usec. Bragas.

Kabilang sa mga paksa sa kanilang training ay ang pagpapalakas ng kanilang kakayahan bilang case managers, paghawak ng ibat ibang kaso na may kinalaman sa kabataan, kababaihan, mga nakatatanda, at persons with disabilities.

Ang naturang training ay libreng ibinibigay ng DSWD para sa mga kawalipikadong social workers mula sa fourth to sixth class municipalities sa bansa.

“The DSWD Academy will also partner with academic institutions for program courses such as Diploma Degree, Master’s Degree, and Bachelor’s Degree in Social Work,” paliwanag ni Usec. Bragas. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us