Malaki pa rin ang bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers dahil sa epekto ng trough ng Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroon pang higit sa 12,000 pamilya o katumbas ng higit 48,816 indibidwal ang nananatili sa higit 196 evacuation centers.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Davao, Soccsksargen, at CARAGA Region.
Kaugnay nito, umakyat na rin sa 515 kabahayan na labis na nasira ng mga pag-ulan habang 675 rin ang partially damaged.
Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lalawigang apektado na nakapaghatid na ng ₱75-milyong halaga ng humanitarian assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa