Natapos na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang serye ng mass orientations sa mga government employee para sa Annual Regulatory Plan (ARP).
Dinaluhan ito ng 923 government employees mula sa 320 tanggapan ng gobyerno sa buong bansa.
Ayon kay ARTA Director General Ernesto Perez, ang inisyatibang ito ng ARTA ay para tiyakin ang pagsunod ng mga tanggapan ng gobyerno sa Republic Act No.11032, o Ease of Doing Business and Efficient Government Services Delivery Act of 2018.
Itinakda ang deadline ng Annual Regulatory Plan (ARP) tuwing Marso a-7 kada taon.
Binigyang diin pa ni Perez ang kahalagahan ng ARP sa pagkamit ng Eight (8)-Point Socio-Economic Agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagpapabuti ng bureaucratic efficiency.
Ang national government agencies, kabilang ang kanilang attached agencies, government-owned and controlled corporation (GOCC), at iba pa ay kinakailangang magsumite ng kani-kanilang ARPs sa darating na Marso 7, 2024.
Maglalabas pa ang ARTA ng advisories para sa pagsusumite ng iba pang-ahensya kabilang ang Local Government Units, Water Districts at State Universities and Colleges, na hindi sakop ng nasabing deadline.| ulat ni Rey Ferrer