Higit 9,000 job vacancies, alok sa panibagong Mega Job Fair sa Caloocan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa higit 9,000 trabaho ang nagaabang sa mga job seeker sa panibagong Mega Job Fair ng Caloocan local government ngayong araw, February 29.

Ito na ang ikatlong Mega Job Fair na inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) ngayong buwan na ginaganap sa ikatlong palapag ng Bulwagang Katipunan, Caloocan City Hall-South.

Bahagi pa rin ito ng month-long celebration ng ika-62 Cityhood Anniversary ng Caloocan.

Kinakailangan lamang na magsumite ang mga aplikante ng valid IDs at updated resumes.

Muli namang hinikayat ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga residente na samantalahin ang mga local at overseas employment opportunities na alok ng mga ka-partner na kumpanya ng pamahalaang lungsod.

Tatagal ang Mega Job Fair hanggang mamayang alas-4 ng hapon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us