Kaya nang i-accomodate ng Department of Foreign Affairs ang nasa higit isang milyong visa application ngayong taon dahil sa pagluwag ng pandemic restriction sa bansa.
Ayon kay DFA Office of Consular Affairs Visa Section Director Leilani Feliciano, ito’y dahil unti-unti nang bumabangon ang Pilipinas mula sa COVID-19 pandemic kaya naman kaya nang magbigay ng mas marami pang visa sa mga turistang nais magtungo sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Feliciano na binabalangkas na ng DFA ang pagkakaroon ng electronic visa ng iba pang mga konsulado gaya ng isinigawang pilot testing sa China.
Patuloy naman ang re-assessment ng DFA kung paano mas mapapadali ang pagbibigay ng visa. | ulat ni AJ Ignacio