Iniulat ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pagtaas ng kita nito para sa taong 2023 kung saan naitala nito ang pagtaas ng kita sa halos 35% o katumbas ng P79.4 bilyon mula sa halos P60 bilyon noong 2022.
Ayon sa PAGCOR, pinakamalaking bahagi ng pagtaas na ito ay dahil sa mga licnesed casinos, mga PAGCOR-run casino, electronic games sector, at offshore gaming operations.
Sa buong kinita ng PAGCOR sa taong 2023, P73.11 bilyon ay mula sa gaming operations ng ahensya habang P6.26 bilyon naman ay mula sa mga diverse source nito.
Maliban dito, tumaas din sa 53.27% sa P6.81 billion ang net income ng PAGCOR para sa taong 2023.
Nagpahayag naman si PAGCOR Chariman at CEO Alejandro Tengco sa positibong epekto nito sa bansa na nagbibigay ng mataas na kontribusyon sa iba’t ibang programa ng pamahalaan tulad ng Universal Health Care.
Ipinahayag din ni Tengco na tiwala ito na magiging tuloy-tuloy na paglago ng PAGCOR sa mga darating na taon.
Maaalalang kamakailan lang ay inanunsyo rin ni Tengco ang record-high na kita Philippine gaming industry sa higit P285 bilyon kung saan lagpas pa sa naitala bago ang pandemya.| ulat ni EJ Lazaro