Nagbabala si Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng planong pagpapatawag ng Constituent Assembly para talakayin ang panukalang amyenda sa economic provision ng Saligang Batas.
Para kay Estrada, trap lang ito para mapilitan ang Senado na bumoto ng iisa kasama ng mga kongresista ng Kamara.
Giit ni Estrada, labag ito sa Saligang batas.
Pinunto ng senador na kahit pa iakyat sa Korte Suprema ang usapin ay tiyak na hiwalay na pagboto ng Kamara at Senado ang magiging ruling ng korte dahil sa umiiral na bicameral form ng gobyerno ng bansa.
Tiniyak ni Estrada na hindi kakagat ang mga senador sa isinusulong na joint session para talakayin ang economic cha-cha.
Aniya, umuusad na ang talakayan para sa economic cha-cha ng Senate Subcommittee on Constitutional Ammendments ni Senador Sonny Angara kung saan nakaka-tatlong pagdinig na para dito.
Binigyang diin pa ng senador na malinaw ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang Senado ang dapat na manguna sa economic cha-cha kaya dapat itong sundin ng Kamara. | ulat ni Nimfa Asuncion