Nanawagan si Deputy Speaker at 1st District Rep. Tonypet T. Albano na bigyan ng pagkakataon ang Kongreso na simulan ang debate sa panukalang “improvement” ng Philippine Constitution.
Sa isang press conference sinabi ni Albano na umaasa siyang masisimulan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang constituent assembly sa lalong madaling panahon.
Importante aniya na malaman ng publiko ang limitasyon ng 1987 constitution kung saan aniya naging hadlang sa paglago Pilipinas sa loob ng apat na dekada.
Dahilan pa ng mambabatas tama na ang apat na dekadang pagtitiis at bigyan daan ang pag-asenso ng bawat isang Pilipino kung saan hindi na kailangan pang mangibang bayan ng mga Pinoy upang mabuhay ang kanilang pamilya, maiwasan ang brain drain at pagkakahiwahiwalay ng pamilya.
Panawagan ni Albano sa Senado na makiisa at simulan na ang debate sa pag amyenda ng economic provision ng konstitusyon.| ulat ni Melany V. Reyes