Inaprubahan ng Committee on Higher and Technical Education ang consolidation ng tatlong panukalang batas na naglalayong itatag ang Nursing Scholarship and Return Service Program for deserving students.
Tinalakay ng committee ang mga probisyon ng House Bills 6310, 6631 at 7889 na iniakda nila Rep. Maria Jamina Katherine Agarao, Ray Florence Reyes at Gus Tambunting.
Layon ng mga panukalang batas na maiwasan ang “mass exudos” ng mga health workers na siyang nakakaapekto sa health system ng bansa.
Ito ay magsisilbing “pay it forward” scholarship sa mga deserving students sa mga state universities at colloges.
Ayon kay Congressman Agarao, bilang isang Nursing graduate, nakita niya ang hirap ng mga nursing student na makatapos ng kanilang kurso dahil sa gastos particular ang binabayaran na “on-the-job” training.
Base sa datos ng CHED, para sa taong 2021, may mahigit na 197 thousand na mga nursing students habang nasa 5,871 naman ang graduates sa parehas na taon.
Suhestiyon din ng CHED sa mga mambabatas upang mas makaenganyo ng mga nursing students na na magsilbi sa bayan ay magkaroon silang awtomatikong plantilla positions sa gobiyerno upang makapasok sa government hospital.| ulat ni Melany V. Reyes