Ginugunita ngayong araw ang ika-152 anibersaryo ng pagkasawi ng tatlong paring martir na may malaking ambag sa kasaysayan ng bansa at sa lungsod ng Maynila isang seremonya at pag-aalay ng bulaklak ang isinagawa bilang pag-alala sa kanilang kabayanihan sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).
Pebrero 17, 1872, pinarusahan sa salang kamatayan sa pamamagitan ng garote ang mga paring sina Mariano Gomes, Jose Burgos, at Jacinto Zamora o mas kilala bilang GOMBURZA dahil sa kanilang kampanya para sa sekularisasyon, na nagtataguyod ng paglilipat ng mga parokya sa kontrol ng mga Espanyol na mga prayle patungo sa mga paring Pilipinong diocesan kasabay ng mga bintang na kasabwat ang mga ito sa pag-aalasang naganap sa Cavite nang kaparehas na taon
Sa kanila rin inialay ni Gat Jose Rizal ang kanyang nobelang El Filibusterismo bilang pag-alala sa kanilang kabyanihan.
Present naman sa isinagawang seremonya kaninang umaga sa GOMBURZA Execution Site sa Rizal Park sina National Parks Development Committee (NPDC) Executive Director Cecille Lorenzana-Romero, NHCP Chairman Emmanuel Calairo, Rev. Fr. Albert Flores na kinatawan ni Archbishop Jose Cardinal Advincula, mga kinatawan mula sa Boys Scout at Girls Scout of the Philippines at iba pang mga grupo.
Nakibahagi rin sa kaganapan ang Direktor ng MMFF 2023 Film Entry na GOMBURZA na si Pepe Diokno at ang aktor na si Cedrick Juan na gumanap bilang Padre Burgos.
Nakiisa rin sa pag-alala sa GOMBURZA ngayong araw ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung saan muli nitong ibinahagi ang inilabas nitong P150 commemorative coin noong nakaraan taon bilang pag-alala sa higit 150 taong anibersaryo ng kabayanihan ng tatlong pari.| ulat ni EJ Lazaro