Inaasahang maapektuhan ng water interruption ang ilang customer ng Maynilad sa Quezon City simula mamayang gabi.
Bahagi pa rin ito ng regular na maintenance activities para mapanatili sa maayos na kondisyon ang kabuuang distribution system sa West Zone.
Kabilang sa inaasahang maapektuhan ay ang Brgy. Doña Josefa simula mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga ng February 6.
May nakaiskedyul ding water interruption sa Sta. Monica, Nagkaisang Nayon, at Nova Proper.
Ayon sa Maynilad, karamihan sa maintenance activities nito ay isasagawa naman sa off-peak hours upang maibsan ang epekto sa mga customer.
Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang scheduled interruption.
Pagbalik ng water service, hayaan munang dumaloy ang tubig nang panandalian hanggang sa luminaw ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa