Ilang kumpanya ng langis, naglabas na ng presyo sa oil price rollback bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ang ilang kumpanya ng langis ng pinal na presyo para sa oil price rollback bukas.

Simula bukas ng alas-6 ng umaga ipapatupad ng kumpanyang Pilipinas Shell, Sea Oil, at Petro Gazz ang bawas na P0.60 sa kada litro ng gasolina; habang P0.10 naman sa kada litro ng diesel at P0.40 naman sa kada litro ng kerosene.

Inaasahan namang susunod na rin ang iba pang mga kumpanya ng langis sa naturang presyo, bukas.

Ang oil price roll back ay bunsod pa rin ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us