Nabibiyayaan ang ilang mga mangingisda sa Navotas ng bagong bangka at cash aid.
Sa pangunguna ni Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, namahagi ng 50 bangkang pangisda at tig P5,000 mula sa DSWD-AICS program sa ilang piling maningisda sa Navotas.
Layunin nitong matulungan ang Navotas fishermen na maiangat ang kanilang buhay.
Sa talumpati ni Congresswoman Romualdez, nagpasalamat ito sa local government officials at Navotas Fishermen sa kanilang sipag, tiyaga at dedikasyon.
Nangako ito na makakaasa ng suporta ang mga mangingisda sa Tingog Party-list at kay House Speaker Martin Romualdez.
Ang naturang event na dinaluhan ng mga lokal na opisyal ng Navotas ay testamento ng komitment ng partido na kilalanin at suportahan ang kasipagan ng mga taga Navotas at isulong ang paglago at pagpapaganda ng kanilang buhay.| ulat ni Melany V. Reyes