Nakatakda na ang paglipat ng ilang Philippine Eagles sa bago nitong tahanan, bukas Pebrero 13, 2024.
Ito ang inihayag ni Philippine Eagle Foundation Research and Conservation Program Director Dr. Jayson Ibañez sa isang panayam.
Ayon kay Ibañez na ililipat na ang walong Agila mula sa Philippine Eagle Center sa Barangay Malagos, Baguio District, Davao City papunta sa bagong tahanan nito sa Barangay Eden, Toril District sa parehas na lungsod.
Ang nasabing mga agila ay ililipat para maparami ang populasyon nito dahil sa bumababang bilang nito.
Inilahad ng opisyal ang bagong pasilidad nito ay akma talaga para maging breeding site dahil malayo ito sa komunidad at napaloob din sa conservation area ng lokal na pamhalaan.
Sa bagong tahanan ng ilang agila, mamumuhay ito ng malaya na walang banta mula sa ilang mga tao.
Pero, nilinaw ni Ibañez na mananatili pa rin ang Philippine Eagle Center sa Barangay Malagos para maging lugar sa experiential learning.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao