Good news para sa ating mga motorista lalo na sa mga mag-a-out of town ngayong darating na Araw ng mga Puso, dahil inaasahang magkakaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, February 13.
Base sa pinakahuling trading ng mga kumpanya ng langis nasa ₱0.70-₱0.90 centavos sa kada litro ng gasolina ang inaasahang ibaba habang nasa ₱0.10-₱0.30 centavos naman sa kada litro sa diesel, at ₱0.20-₱0.40 centavos sa kada litro ng kerosene.
Inaasahang ilalabas na ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na presyo ng petrolo sa mga susunod na oras. | ulat ni AJ Ignacio