Ibinida ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na bumaba ng halos 28 porysento ang focus at index crimes mula Enero 1 hanggang Pebrero 3 sa taong ito, kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga, iniulat din ng PNP Chief na sa unang 34 na araw ng taon ay nakapagsagawa ang PNP ng 3,993 anti-drug operations na nagresulta pagkaaresto ng 4,823 drug personalities at pagkakasamsam ng P359 milyong halaga ng iligal na droga.
Sa loob din ng naturang panahon, 6,069 ang naaresto sa kampanya laban sa mga wanted na indibidwal at 709 iba pa ang arestado at 3,384 firearms ang nakumpiska sa kampanya laban sa loose firearms.
Sa kampanya naman laban sa mga teroristang komunista, 21 ang naaresto, 269 ang sumuko, at 8 ang na-nutralisa sa mga police operation.
Habang ang PNP Anti-Cybercime Group naman ay nakapagsagawa ng isang warrant to search, seize, and examine computer data, 21 warrant arrests, at 12 entrapment operations, sa nabanggit na panahon. | ulat ni Leo Sarne