Nakahandang tumulong ang India sa Pilipinas pagdating sa technological advancement sa iba’t ibang sektor at industriya sa bansa.
Ayon kay Indian Ambassador to Manila Shambhu Kumaran, handang tumulong ang kanilang bansa na magbigay ng mga makabagong teknolohiya pagdating sa sektor ng agrikultura, digital economy at e-government system ng bansa.
Dagdag pa ni Ambassador Kumaran na nakahanda ang kanilang bansa upang tumulong sa pagde-develop ng mga makabagong teknolohiya upang mas magkaroon ng technological innovation ang bansa.
Kung matataandaan nasa 30 kumpanya sa India ang kasalukuyang namumuhunan sa Pilipinas at nakapag-empleyo na ng nasa 200,000 na Pilipinong manggagawa sa Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio