Inaasahang mananatili sa target range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa 2 to 4 percent ang inflation hanggang sa taong 2026.
Sa isinagawang survey ng BSP sa mga ekonomista sa bansa, sinabi nito na para sa taong 2024 hanggang 2025 nasa tinatayang 3.9% to 3.4% ang inflation.
Parehas ito sa pagtaya ng BSP, dahil sa patuloy na banta ng “second round effects” at supply shocks na nakaapekto sa growth inflation outlook.
Ayon pa sa mga analyst, ang supply side pressure ay mula sa epekto ng EL Niño at ang nakaambang geopolitical tension na maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at serbisyo sa Pilipinas.
Ang second round effects naman ay mula sa nakaambang umento sa sahod at pagtaas ng presyo ng kuryente.
Dinidinig ngayon sa Kongreso ang panukalang pagtaas ng minimum wage ngayong taon, sa Senado ay dagdag na P100 habang sa Kamara naman ay itaas ito sa P400. | ulat ni Melany Valdoz Reyes