Ikinatuwa ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang inilabas na revised school calendar ng Department of Education.
Nakasaad dito na ang kasalukuyang academic year ay matatapos sa May 31, 2024; habang dalawang buwan pa rin ang school break mula June hanggang July 26.
Magsisimula naman sa Hulyo 29 ang School Year 2024-2025 na matatapos sa May 16, 2025.
Para kay Castro, malaking bagay na nagkaroon ng dayalogo ang kagawaran kasama ang mga stakeholders sa paglalatag ng bagong school calendar na matagal nang ipinapanawagan ng mga guro, estudyante at mismong mga magulang.
Kasabay nito ay pinatitiyak ng mambabatas sa DEPED na makapaglatag pa rin ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng El Niño sa mga estudyante at guro. | ulat ni Kathleen Forbes