Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-roll out ang red carpet para sa mga mamumuhunan, itinaas ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ang “investment capital threshold” para sa mga proyektong hawak ng Investment Promotions Agencies (IPAs).
Mula sa isang bilyong piso, inakyat ito sa ₱15 bilyon na naglalayong gawing investor friendly ang Pilipinas.
Sa resolusyong inilabas ng FIRB, ang dagdag na investment capital threshold ay upang palawakin ang “ease of doing business” bilang tugon na rin sa hinaing ng IPAs.
Dahil sa aksyon ng FIRB, inaasahan ang pagpasok ng mga critical investment sa bansa at alinsunod ito sa policy proposal ng Kongreso na naglalayong bigyang kapangyarihan ang mga IPA sa pagkakaloob ng incentives.
Sa dating set up, ang FIRB ang siyang nag-aapruba ng tax incentives sa mga proyektong may investment capital ng hindi hihigt sa isang bilyong piso.
Pinuri naman ni Finance Secretary Ralph Recto ang mabilis na pag-aksyon ng FIRB upang paghusayin ang global competitiveness ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes